Gumawa ka ng mabuti at babalik

Gumawa ng mabuti, bumalik ng 4x! Nakakaiyak na Lord. Bakit ga ho ang bait nyo saakin. 😭😭😭
Nung nasa Airport ako ng Tenerife South pabalik ng Madrid, may nanlimos saakin. Sabi nya nawalan daw sya ng pera, 15€ daw kailangan nya 5 lang nasakanya. binigyan ko ng 10€. Pero hinahabol ko sya ng tingin, alam ko naman na modus lang yon. Pero sa loob loob ko, dibale na. Kailangan nya kaya yun ginagawa. Nakalimutan ko na rin yon. 
Kanina, may customer na matanda. Haha. Di naman ako naimik at busy ako sa pagba-budget ng kasal namin. Kung gusto ko daw na maging girlfriend nya ako. Sabi ko “Hala. Ayaw ko. May asawa na ako. Ikakasal na kami.” Pinakita ko singsing ko tapos yung notebook ko ng budget.  Sabi nya “lagi na lang akong late. Sabihin mo saakin kapag divorced ka na.” HAHAHA. As if naman.  Tapos inabutan ako ng 50€!!! Ayaw ko tanggapin. Sabi ko di naman kailangan gawin yon. Nakapag tip na sya ng 4. Sapat sa yon sakin. Mag enjoy daw ako kasama ng boyfriend ko. 

Akala nya nandito ang bf ko. Hehe. 
Tapos nalaman ko ang story nya, lagi pala yun sa bar kaibigan ng boss ko. Mayaman daw talaga may ari ng gasoline station na madaming branches. Galante daw. Mdami dn daw un babae. Namatay daw pala ang una nyang asawa. Naisip ko agad, depressed. Ikaw ba naman mamatayan ng asawa na mahal na mahal mo. Kaya sya galante, dahil sabi nya daw aanhin daw nya ang pera hindi naman daw madadala sa hukay. 
Hanggang ngayon speechless pa rin ako. Di ko alam ang mafefeel. Iniisip ko na lang na regalo nya saamin ng boyfriend ko ang binigay nya dahil nga sinabi nya mag enjoy kami sa celebration ng New Year. At the same time,di ako sanay makahawak ng perang di ko pinaghirapan. Instant money eh. Di naman galing sa parents ko. Iba ang feeling. 
Now I am praying for that old man, na sana mahanap nya na ang makakapagpasaya sakanya. Lord ikaw na ang bahala sa taong yun.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s