Sisige o Susuko?

Kumusta ka naman? Hehe. Aba ako eh eto. Trying to feel neutral sa lahat lahat ng happenings sa buhay ko. Bueno. Isa lang ang ipinagpapasalamat ko-wala akong problema. 

Bakit nga kaya tayong mga tao kahit kung susumahin, wala naman talagang problema eh bakit malalim tayong mag-isip? Ako kasi ayaw kong magkamali. Kaya lagi kong pinagkakaisipang mabuti ang mga bagay bago ko gawain. Kahit pa alam ko sa sarili ko na pwedeng makapagpasaya yun saakin.

Masaya ako. Andaming magandang nangyayari ang hindi ko lang alam ay kung bakit di ko maramdaman yung saya. Bakit more on kaba ang nararamdaman ko o di kaya naman ay mga takot. Natatakot ako sa sarili ko. Natatakot ako na makasakit or whatever. I dunno why I am feeling this. Siguro dahil mixed emotions lang talaga. As in andami kong feelings eh. 

1st, Uuwi ako sa Pinas and I am going to have 2months mahigit na vacation, I am excited at the same time I am afraid na maubusan ng pera doon. Haha! 

2nd, ikakasal na ako! Sa January 29 eh mamanhikan na sila saamin. I am sooo happy and at the same time di ako makapaniwala na kami rin pala ang magkakatuluyan. Na totoo ang lahat ng nangyayareng ito. Na finally, there is someone na may ginagawa to prove his love to me. Nakakakaba in a way na ikakasal na kami and maybe I am preparing myself to future difficulties. Muka na akong tanga sa part na yan. Lagi ko naaalala yung sinasabi ni Ma’am Tet (Prof ko nung college na maganda at matalino. Idol ko in fact) na “Ang unfair naman yata kung pagiisipan mo sya ng bagay na hindi pa nya ginagawa.” So mula nung sinabi nya yon, parang na-shake ang aking jutakels at napaisip ng “Oo nga. Very wrong ako sa part na yon. Pinahihirapan ko lang rin ang sarili ko.” 

Moving on. 

3rd, budget. Andaming dapat ayusin. Ayoko gumastos ng malaki..i want to save something more sa mga darating na araw. Nakaka stress pag tinitiis ang sarili ha. Nakakainit ng ulo at nakakaikli ng temper. Haha. Redundant na. Pero totoo yun. Ang hirap ng nagtitiis. Pero malalampasan din ito. Part ito ng pagtitiis at worth it ito. 

Yan ang title nyan kasii kahit medyo weird ang feelings ko ngayon eh sisige pa rin ako. Lagi ko kasi yang sinasabi sa twing nahihirapan ako. Sisige o susuko. Tapos aalamin ko ang mga dahilan ng pag-sige at ng pag-suko. In the end I wi follow my heart..😂 May mga bagay kasi na kahit gusto mo hindi mo makukuha at kahit nandyan na mas pipiliin mo pa ring talikuran. 

I don’t have problems. I must be happy. Ang sunod kong blog ay papamatagan kong

“Sisihin ang hormones.” 😂😂