Dear Future Self,

Hiii. Ikaw na ga yan? Ang galing mo naman! Sabi ko na kaya mo yan eh. ❤️😘

 Natutuwa naman ako na narating mo kung anuman ang meron ka ngayon. Natutuwa naman akong malaman na sa lahat ng mga tiis mo at luha at pagod sa trabaho at sa lahat ng pinagdaanan mo sa buhay eh successful ka na in all aspects. Galing mo sa part na yan. ☺️ Hindi talaga ako nagkamali, at kahit kelan di ako nagduda sa kakayahan mo. 😁 

Akalain mong nalampasan mo ang lahat ng yuuun? Aba Ateng, bibihira ang nakakarating sa ganang point ha. Para lang yang pag akyat ng bundok, nakakapago habang nasa kalagitnaan ka. Pero ang sarap ng feeling kapag nasa tuktok ka na. Kaya nga lang sa buhay, di natin pwedeng ihilera sa bundok. Kasi after mo dun di ka naman pwedeng mag stay sa taas forever, kaylangan mo rin bumaba at umuwi ng bahay. 😂 Pero even though it is not literally like that, kapag nasa peak ka na ng happiness mo kagaya ngayon, wag ka na bababa ha. Kung wala ng iaangat pa ang kasiyahan mong yan, maging masaya ka na muna sa meron ka ngayon. Pangalagaan mo yang happiness mo, at tandaan mong wag kang bababa. Wag mong isusuko ang lahat ng meron ka. Maging sa tuktok kasi ng bundok hindi mawawala ang bagyo, mas malapit sa taas mas malakas ang damage na idudulot sayo, pero consider that as a blessing. Bagyo, ulan, magpasalamat kang nababasa ka kaysa habang panahon kang tuyot at walang pagkuhanan ng mga bagay na pang bless mo sa iba. When it rains, it pours, sahod lang Bes dalawang kamay. Punuin mo ang balde mo ng ulan at bagyo, at ibuhos mo yan sa mga halamang natutuyo na ang ugat sa lupa. 

Ang swerte mo naman. Sobra. Sa nakikita ko ngayon ang saya saya mo talaga. Higit pa sa kasiyahan na naranasan mo dati. Share mo naman ang secret mo sa iba. Or better to say, share mo naman yung happiness mo sa iba.  Nung nakaraan ang lungkot mo eh, ilang beses ka na ba nakaranas ng ganun pero nakatayo ka pa rin! Ibang klase. ❤️🌸

Para ka palang spring time sa Madrid. Di ba ang ganda? 🌸❤️ May picture ka pa ng cherry blossom di ba? My God ang ganda ng cellphone mo nun yayamanin. Haha! Ano na ba yang gamit mo ngayon? 😁 Ikaw talaga lagi mong deserve ang mga best things ng buhay. How lucky you are really! Parang kelan lang di mo mahawakan ang mga gusto mo pero ngayon abot kamay mo ng lahat. 

Andaming blessings sayo ni God.  I-look back mo nga, di ka nauubusan ng mga taong nakakaunawa sayo kahit na minsan feeling mo mag-isa ka. Sila talaga yung totoo mong yaman eh. ☺️ Lalo na yung boyfriend mo at Mama mo na nararamdaman ka kahit di ka magsalita. Sila ang yaman mo. Sila ang makakapitan mo someday. ❤️ 

Unti unti mong na-reach lahat. Slowly, tinanggap mo ang mga bagay na hindi katanggap-tanggap at akala mong hindi mangyayari sa reality, pero you are so strong to always face the reality! Yung iba tumanda na at lahat eh niloloko pa rin ang sarili, pinaniniwala sa mga bagay bagay na hindi naman talaga totoo. Di ba nga lage mong katwiran, being true to yourself is being true to others.  👌🏻 Galing mo dun.  

Yung mga pangarap mo, Wow naman. Abot kamay. Dati hanggang planner lang pero ngayon andami ng improvments. How to be you po? 😁😍☺️

Sige na, ang haba na masyado ng letter ko. Alagaan mong mabuti ang sarili mo para sa asawa mo at sa pamilya mo. Kung minsan wala kang makakapitan pero tandaan mo, kung wala ka, hindi sila masaya, hindi sila matapang at wala silang lakas ng loob. 

God bless you SOBRA. More blessings and the best is always yet to come. Para sa’yo ang trophy ng kaligayahan dahil sa kabutihan mong walang hanggan. ❤️
Love,

Yourself.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s