Living happily in this cruel world ❤️ (English-Tagalog Blog)


Madami akong kaibigan and when I call them friends I really consider them as one. Yung matatakbuhan ko, yung makakausap ko, etc. etc. Kaibigan in general. At young age even when I was in highschool, umiwas ako sa maraming kaibigan. I am so lucky to realize that sooner. Marami ang hindi kayang mabuhay ng walang kaibigang kasama sa galaan at sa kung ano ano pa. But I managed as time goes by to go to the mall alone. Jusko, di talaga ako pasensyosang tao pero kapag pinagpasensyahan kita eh talagang I am willing to be your friend for life. Ngayon, ang mga kaibigan ko eh nabibilang ko sa aking daliri. As in yung best friends. Mga dalawa o tatlo lang talaga sila. 🤣 And living abroad without them is soo hard. Salamat sa internet. ❤️

Iwas rin ako sa away, gulo, at kahit ano pa mang hindi pagkakaunawaan between sa mga taong nakapaligid saakin. And knowing na hindi nga ako pasensyosa, ako na lang yung umiiwas. I think I deserve inner peace. 🤣

So nagkaroon ako ng boyfriend/fiancé na mabarkada. Bueno, lalaki kasi. Anyway, walang problema sakin makipag kaibigan sya and I am not telling him to move away from them lalo kung wala namang ginagawang masama. But as his gf, I think it is my duty to show him what’s right or wrong. Though I KNOW he has his own sets of standard in making friends.  It is OK. Basta they know their limits. Yung ibang kaibigan kasi porke alam nila na mas matagal silang kilala o nakasama ng bf ko, they are feeling so confident na they are always be there anytime and anywhere. I prefer they say “Kailangan ko kayo [including me syempre]”. 

Kagaya na lang ng nangyari saamin kahapon ha.  Ang mga barkada ang dedemanding. Daig pa ako. Iisa kami ng FB kaya don na rin sila nagchachat. Last day lang nagka internet ang BF ko and I am happy. May nagchat at d lang nareplyan eh nagreklamo na ng wala daw nasagot saamin. Like hello, may buhay din kaming amin. At saka nagtatrabaho kami.  Feeling ko nun pa lang nawawala na sa limits. Jusko ano ba naman yung mag intay sya sa kung kelan sya replyan. Tapos sila pa ang galit? Pwede namang iderekta na lang agad sa chat ng isang bagsakang message na lang. Sabagay wala ka namang aasahang formality sa ganong klaseng nilalang. Anyway. Same day, mag isang kinukuha ang number ng BF ko sa whatsapp? Like almost isang taon na kaya kaming iisa ng FB tapos all of a sudden mangunguha ng number? Eh aba.  Sobra naman na yata akong lampasan. Anong kelangan nila? Anong gusto nila mag away kami ni BF? Eh hindi si BF ang aawayin ko kundi yung makakapal ang muka sa tabi-tabi. Nasan ang respeto. 

Alam ko sa sarili ko kung gaano kami kabait at kagaling makisama ni BF. Bibihira mo kami marinigan na humindi. At kung humindi kami baka di namin talaga kaya. Pero hindi naman yon lisensya para mag feeling na agad ang iba na they can cross over anytime they want. Like sana naman alam rin kung paano mag pause and tumingin sa signal light kung may masasagasaan.  Dahil hindi kami ganon. Some can find it sensitive, and I am proud pa! Sa mundong puro manhid at kakapalan ng muka ang umeeksena.  Duh. 🙄

Anyway, ang saya naman namin ni Kerk. Masaya kami na nagkakaunawaan kami. At yang mga yan, magsawa sila. Palibhasa kasi wala sa kukote ang salitang seryoso kaya di ko naman masisi kung bakit hindi alam ang pakiramdam. 😉 Mahirap talagang magseryoso sa buhay lalo kung palaging hindi napapakali.  Poor thing. ☺️ 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s