My working life: This is more than a Restaurant

Some of the people who knows me, knows that I have 2 different jobs everyday. From 8am-11am, I still work in Pablo’s house as a helper/tagalinis o taga luto. I’ve been working there for 2 years already. So whatever happens, I feel like I am not yet ready to give them up even if it is tiring to work 4 consecutive days (Monday-Thursday) there and work in the restaurant 11:30am-1am (with 3hrs break in between). I need to sacrifice my pagtulog just to keep the two. Kahit minsan o madalas eh late ako sa kanila sa umaga. Hehe. But this blog is not about them, I will blog about them soon too. I have a different story for that one. What I want to share today is all about working here in this newly established Restaurant. 

It is a simple restaurant and owned by a Chinese Couple. At first, I never realized na magiging OK ako dun. Nagtanong lang ako kung may bakante at OO ang sagot nila. Ang nakakatawa pa, nilagay ko sa resume ko na maalam ako magluto, kasi maalam naman talaga pero wala akong experience sa kusina. Then pinagluto ako! Haha! Yung kaba ko di ko maipinta. Napasobra ang dami ng toyo ko kahit hindi naman talaga ako ganun magtimpla. On the spot. So sabi nila, sa waitress daw ako mag-try. Pinag try ako, at pinagsimula ako. Di nila inaasahan na nung nag start ako, andami agad tao. Dun nila nakita kung paano ako magtrabaho. 

Sobrang saya ko nung sinabi nilang tanggap ako. Pati ang asawa ko sobrang saya rin nya. Alam nya kasing matagal ko ng gustong magtrabaho sa resto. Matagal na matagal na. Ayoko lang laging ipush dahil alam kong mahihirapan kami sa komunikasyon. Pero sya na rin ang nagsabi na kakayanin namin dahil mahal na mahal namin ang isa’t isa. Hayyy. Sacrifice. Di ko rin maipaliwanag kung paano pa namin naiisingit ang paguusap kahit ganitong sobrang busy na kami sa work. Napakabait lang talaga ng Dios sa amin. Nakakaiyak. 😭❤️

Una: Alam kong gusto ko ng trabahong ito kaya ginagawa ko araw araw ang best ko. Bukod pa sa pagpapaalala ng asawa ko na gawin ko ang makakaya ko. Pero hindi ko akalaing dadating sa point na sobra kong makakasundo ang aking mga amo. 

Mag-asawa silang intsik at may dalawang anak. Tawagin natin silang Ana (20y/o) at Juan(17y/o). 😂 Ang amo kong babae ang namamahala sa Bar at sa Dining Area. In short sa labas, sya ang boss naming mga waitress. At ang amo kong lalaki ang boss sa kusina, sya rin ang kusinero. Napakagaling nyang magluto. Di ko maipaliwanag. Minsan lang ako humanga pagdating sa pagkain, being a kusinera (sa bahay 😂) myself, alam ko rin ang masarap at hindi. 

Nung nakita ng mga kakilala ko na dun ako nagtatrabaho, lagi nilang sinasabi na ang baba daw ng sweldo ko, na ang mga intsik daw masama daw ang ugali, na matakaw daw sa oras, na mahirap daw silang maging amo, lahat na lang ng mga negatives na maririnig mo. Pero nangiti lang ako, kasi unang una, mababait ang amo ko. Masayahin at parang pamilya ang turingan duon. Nagulat ako minsan, kumakain kami tapos parang nanay ang amo kong babae na naglalagay ng kanin sa mangkok ko. Tagal ko na kasing hindi naranasan yung ganun, parang bumukas ang loob ko at nafeel kong ang sarap magtrabaho sa kanila. Ang amo ko namang lalaki, naaalala ko sakanya ang aking Papa. Mabiro rin, marunong rin s pagkakarpintero, at tuwang tuwa yun dahil lagi kong inuubos ang mga luto nya. 😂 Habang kumakain pa kami sasabihin ko, “alam ko ang inilahok mo dito..”iisa isahin ko ang mga sangkap at matutuwa yun kasi tama ako. 

Hanggang sa araw araw na akong nasanay na kasama sila, araw araw rin lumalalim ang pakikisama. Dumating ang birthday ko, wala pa akong isang bwan sa kanila nun, at nagulat ako ng ipaghanda nila ako. Isinara nila ng maaga ang resto para makapag late dinner kami. May cake pa. Gusto kong umiyak nun sa tuwa. Nagpapasalamat ako at ang hiniling ko noon ay maging successful ang business nila. Hindi para saakin kundi para sakanila. Mga bagay na once in a lifetime lang mangyayari. Mga bagay na para sa akin ay himala at milagro. Blessings ng Maykapal. 

Hanggang sa mga bagay na hindi naman talaga nila dapat gawain o itulong saakin eh tinutulungan nila ako. Hindi ko rin alam kung ano ba ang tingin nila saakin pero lagi nilang sinasabi na “Ang galing mong magtrabaho.” Sabi nila, ang ugali daw nila eh kung mabait daw sakanila eh mabait din daw sila. Pero parang hindi rin, mas naniniwala akong mabait lang talaga sila. 

Ganun rin ang mga anak nya na kasundo ko. Wala akong kapatid na lalaki kaya si Juan lage ang kabiruan ko. Nagkakasundo kami sa hindi ko rin maipaliwanag na pangyayari. 😂 Basta ang alam ko, kasama sa trabaho ko ang makisama sakanila, pero more than that na rin pala ang nagagawa ko araw araw. Hindi na lang rin basta pakisama, parang damay na ang emotions dahil nandyan sila araw araw at lagi kong kasama. Dahil sakanila, bukod sa asawa ko, hindi ko nararamdamang ako eh nagiisa. Which lead me to a brigther path. Nakita ko kung saan ako papunta. Kaya everyday of my life kahit naka 3 months na ako sa kanila eh ganun pa rin ako magtrabaho. Di pa rin ako sawa. Oo, di kagaya ng iba na malaki ang sweldo, pero hindi naman hirap ang loob ko sa trabaho. Hindi ako stressed. Masaya ako. Mahirap nga lang. Pero sino bang tao ang hindi nahihirapan. 

This is more than a restaurant, para ko na tong pangalwang bahay sa Madrid. Sila yung nakakakita sakin araw araw at may time na magtanong kung ayos lang ako. Nakakatuwa dahil madalas sa umaga, kapag dumadating ako eh pinaghahanda pa ako ng amo kong babae ng almusal. Kape, tinapay, churros, porras, oatmeal. Binabalik ko lahat sa pagtatrabaho ng maayos. Pero alam ko, kahit papaano, ako muna ang nakita nila bago ko sila nakita. Kasi kung palpakin ako, siguro baka hindi rin ganun ang trato nila. 

May kasabihan kaming mag-asawa na lagi naming pinapairal talaga. At kapag down kaming dalawa at aburido sa trabaho yan at yan lang ang pinapaalala namin sa isa’t isa. 

“Mahalin natin ang ating trabaho kagaya ng pagmamahal natin sa isa’t isa. Dahil ang trabaho parang relasyon lang yan. Kelangan gawin ang best araw araw.”

Pagdating sa pagtatrabaho sobra lalo kaming magkasundo. 

Malaki rin ang gusto kong icredit sa asawa ko talaga kasi sya yung nakapagbukas ng isipan ko sa lahat ng bagay. Sya utak ako ang kamay and vice versa. Perfect tandem talaga kaming dalawa. 

Salamat Panginoon. Gusto kong tapusin ang blog ko na to by saying Thank You. Maluhaluha ako kanina nung tinutulungan nila ako. 

Hayyy.  Madami akong di pwedeng ishare dito sa blog ko dahil gusto ko rin may privacy. Hehe. Kung bakit ako sobrang thankful sa kanila, gusto ko lang talagang ilabas ang nararamdaman ko sa ganitong paraan. 

May the Lord bless them all. I know they will be successful someday. Gabayan mo po mga amo ko at bigyan sila ng magandang pangangatawan kagaya ng aming mga magulang. Dahil habang di kami nakikita ng mga magulang namin araw-araw, nandyan sila na nagabay saamin. 

So lucky to have them. #Blessing 

Patakas na picture nung pauwi na ako. Maaga kaming nakalabas.
Advertisements

2years together😍

October 24,2015 – Forever.My tropa and I; We’re married.
Happy happy 2 YEARS together Bii. Hindi ko malilimutan yung araw na yun na nag I love you ka sakin at nag I love you too ako sayo. 😍❤️

Na noon palang alam na nating tayo na talaga sa hindi maipaliwanag na dahilan na nagsimula lang naman sa simpleng pagkakaibigan. 😁 Kakaiba talaga, pustahan tayo matatawa ka rin kapag maiisip mo ang mga usapan natin dating puro kalokohan. Haha! Nagkainlove-an ng hindi naglandian at nagbolahan. Puro casual na “Uy balita” at heart to heart na usapan lang. San ka pa. 🙂 
Ni minsan hindi mo ako pinayuhan ng makakasama saakin, at ang gusto mo palagi ay ang aking kasiyahan. ❤️

Mula noon minahal ko ang sarili ko. Nakita ko ang halaga ko na pinapakita mo hanggang ngayon. Pinakita mo rin sakin kung ano ang deserve ko kahit hindi ako perpektong tao.

Tinanggap mo ako, tinanggap kita, at iniharap mo ako sa simbahan ng bukal saiyong kalooban. Yun ang napakasarap sa pakiramdam na pinagmamalaki ko. Na hindi natin pinilit ang ating sarili sa isa’t isa. Na pinili natin kahit mahirap, basta tayong dalawa ang magkasama. Na may sarili tayong paninindigan. Na kaya nating harapin ang kahit ano pa man. Subok na subok na. 
Basta na lang daw naging tayo? Hindi nila alam na araw araw nating pinaghihirapan at pinahahalagahan ang isa’t isa kahit tayo ay kasal na. 🙂 
Sobrang saya ko, wala akong pakialam sa sasabihin ng iba. Ikaw ang blessing ng Panginoon saakin Bii. Salamat sa 2 taon at sa mga dadating pa, at sa habambuhay na pangako nating magsasama.  

I love you! Mahal na mahal na mahal kita! Ikaw ang true love, soulmate at destiny ko. 
Salamat sayo. Salamat po Papa Jesus. 
Kakayanin natin lagi bii. Matapang tayo. ❤️😍😁

Ikasa mo! 👊🏻

Habang tumatagal para bang humihirap… 

Nung una, pinangako ko sa sarili kong kakayanin ko. Lahat haharapin ko at di ako uurong. Kaya araw araw ginagawa ko yun, hindi ko rin akalain pero nalalampasan natin. 

October 24, 2015 ka unang nagsabi ng I love you sakin. Dalawang taon na pala bukas ano. Ang bilis bilis, noon mag syota palang tayo ngayon iisa na ang apelyido natin. 

Nung una tayong magkasama nung April 2016, masakit sakin. Nung nagkasama tayong muli nung May-July 2017, halos ikamatay ko araw araw ang magising ng wala ka sa aking tabi. Pero kasunod na ang mga plano nating magkakasama rin tayong muli. Yung wala ng hiwalayan. Pero ang proseso ay hindi madali. 😭 Kailangan pa rin nating magbanat ng buto at pasensya at pangunawa para iyon ay marating. Tiis tiis kahit araw araw mata na lang ang walang pawis, ngiti at ngiti pa rin kahit pilit na ngisi. 

Naiiyak na ako kasi ang hirap at ika’y malayo. Kapag may umaaway sakin wala akong mapagsumbungan, kahit masabi ko sayo sa chat yung boses ko naman eh hindi mo napapakinggan.  Ang hirap masanay na nandyan ka lagi tapos biglang pag lingon ko wala ka na pala uli. 😭 Kaya ang lagi kong tanong hanggang kailan tayong ganito? Habang tumatagal humihirap yata mahal ko? Ako lang ba ang nakakaramdam nito? Binabalewala ko dahil alam kong mas mahirap sayo to. Ngingiti ako dahil ang pagluha ko ang magpapahirap sayo. Kakayanin ko dahil lumalakas ka kapag malakas ako. 

Kaunting hirap pa mahal ko, madami pa tayong pagdadaanan kaya walang bibitaw; walang iwanan.