Ang pagmamahal ❤️

Ang pagmamahal ay parang Araw na sisikat sa umaga. Ang magpapaliwanag sa madilim mong gunita. Ang magiging init sa malamig na tinig na bubulong sa’yo kapag ang takot ay may nginig. 

Ang pagmamahal ay parang Buwan na kikinang sa gabi. Habang ang lahat ay tulog at ikaw ay walang katabi. Ang syang nagiisang pakiramdam na kailangan mo kapag may hikbi; kapag may luha na hindi mo maikubli. 

Ang pagmamahal ay maiihalintulad mo sa dalawang ‘yan.  Parehas may kinang kahit parang nag-uunahan.  Ano nga ba ang nauuna sa araw at sa buwan? Pero ang mas mahalaga ay palagi mo silang nararamdaman. 
Ang pagmamahal. 

Advertisements