Habang tumatagal para bang humihirap… 

Nung una, pinangako ko sa sarili kong kakayanin ko. Lahat haharapin ko at di ako uurong. Kaya araw araw ginagawa ko yun, hindi ko rin akalain pero nalalampasan natin. 

October 24, 2015 ka unang nagsabi ng I love you sakin. Dalawang taon na pala bukas ano. Ang bilis bilis, noon mag syota palang tayo ngayon iisa na ang apelyido natin. 

Nung una tayong magkasama nung April 2016, masakit sakin. Nung nagkasama tayong muli nung May-July 2017, halos ikamatay ko araw araw ang magising ng wala ka sa aking tabi. Pero kasunod na ang mga plano nating magkakasama rin tayong muli. Yung wala ng hiwalayan. Pero ang proseso ay hindi madali. 😭 Kailangan pa rin nating magbanat ng buto at pasensya at pangunawa para iyon ay marating. Tiis tiis kahit araw araw mata na lang ang walang pawis, ngiti at ngiti pa rin kahit pilit na ngisi. 

Naiiyak na ako kasi ang hirap at ika’y malayo. Kapag may umaaway sakin wala akong mapagsumbungan, kahit masabi ko sayo sa chat yung boses ko naman eh hindi mo napapakinggan.  Ang hirap masanay na nandyan ka lagi tapos biglang pag lingon ko wala ka na pala uli. 😭 Kaya ang lagi kong tanong hanggang kailan tayong ganito? Habang tumatagal humihirap yata mahal ko? Ako lang ba ang nakakaramdam nito? Binabalewala ko dahil alam kong mas mahirap sayo to. Ngingiti ako dahil ang pagluha ko ang magpapahirap sayo. Kakayanin ko dahil lumalakas ka kapag malakas ako. 

Kaunting hirap pa mahal ko, madami pa tayong pagdadaanan kaya walang bibitaw; walang iwanan. 

Advertisements

Hindi natin masasabi ang bukas.

Sa twing may mga nadaan saating mga problema, maliit man o malaki, basta alam nating maaapektuhan ang ating future eh sobra tayong nagwoworry. Normal lang yun. Dahil takot tayong hindi maging ayos ang takbo ng lahat. Takot tayong hindi natin magawa ang ating mga plano o balak sa buhay. Nakakatakot naman talaga. Nakakapangamba.

Ang kasalukuyan ay ang magiging resulta ng hinaharap, kailangan nating ibuhos ang ating best ngayon dahil hindi natin masasabi ang bukas. Wag nating hintayin ang pagkakataong magsisisi pa tayo dahil lang sa maliit na bagay na ating magagawa na akala natin ay “okay lang.” Lagi nating isipin kung ano ang makakasama, lagi nating isipin ang mga “bawal” at ang mga bagay na hindi natin pupwedeng gawain. 

Ang tukso ay parang “buffet” lagi lang yang nakahain, at ikaw ang nagbabantay ng buffet alam mong hindi yun para sayo kaya wag kang titikim. Pero minsan dahil sa kaakit akit nitong presentasyon, mabangong amoy at samu’t saring pagkain, di mo maiiwasang isipin na tumikim lalo na kung walang nakatingin. Pero dadating ang araw makikita ka ng Boss mo, at pag nahuli ka, saka ka palang matatakot sa susunod na mangyayari sayo. Pwede kang matanggal sa trabaho, pwede kang mailipat sa panget na pwesto, pwedeng masira lahat ng mga plano mo sa mga susunod pang araw. Ang buhay mo sa trabaho ay relasyon mo sa sarili mo. Kailangang patunayan mo araw araw na karapat dapat ka sa posisyon mo. Pero tao ka lang at nagkakamali, pero lagi mong tatandaan na kahit anong ganda ng nakahain, ang tukso ay kailangan mong ipagpa-isang tabi pa rin. 

Wala kang ibang masisisi kundi sarili mo, pero dun mo mapapatunayan na may silbi ka pala sa mundo. Dahil kung ang iniisip mo lang ay ang sarili mo siguradong hindi ka mamomroblema ng todo. Alam mo kasing may mga taong nakasandal sayo, at alam mong may mga tao kang gustong mapasaya. Basta ngayon ang mahalaga, alam mo na. Wag kang papayag na maghapon kang walang  nagawang maganda. Dahil kung maghapon mong sisisihin ang sarili mo, lalo lang lalala ang sitwasyon at hindi ka makakagawa ng ayos at nasa plano. 

Mabuti nga at maliit na bagay lang ang naging problema mo. Hindi yung malalaking dahilan na as in ikaw ay naka-perwisyo. Basta eto lagi ang tatandaan mo, 

Ayos lang magkamali, basta ikaw eh matututo.