2years together😍

October 24,2015 – Forever.My tropa and I; We’re married.
Happy happy 2 YEARS together Bii. Hindi ko malilimutan yung araw na yun na nag I love you ka sakin at nag I love you too ako sayo. 😍❤️

Na noon palang alam na nating tayo na talaga sa hindi maipaliwanag na dahilan na nagsimula lang naman sa simpleng pagkakaibigan. 😁 Kakaiba talaga, pustahan tayo matatawa ka rin kapag maiisip mo ang mga usapan natin dating puro kalokohan. Haha! Nagkainlove-an ng hindi naglandian at nagbolahan. Puro casual na “Uy balita” at heart to heart na usapan lang. San ka pa. 🙂 
Ni minsan hindi mo ako pinayuhan ng makakasama saakin, at ang gusto mo palagi ay ang aking kasiyahan. ❤️

Mula noon minahal ko ang sarili ko. Nakita ko ang halaga ko na pinapakita mo hanggang ngayon. Pinakita mo rin sakin kung ano ang deserve ko kahit hindi ako perpektong tao.

Tinanggap mo ako, tinanggap kita, at iniharap mo ako sa simbahan ng bukal saiyong kalooban. Yun ang napakasarap sa pakiramdam na pinagmamalaki ko. Na hindi natin pinilit ang ating sarili sa isa’t isa. Na pinili natin kahit mahirap, basta tayong dalawa ang magkasama. Na may sarili tayong paninindigan. Na kaya nating harapin ang kahit ano pa man. Subok na subok na. 
Basta na lang daw naging tayo? Hindi nila alam na araw araw nating pinaghihirapan at pinahahalagahan ang isa’t isa kahit tayo ay kasal na. 🙂 
Sobrang saya ko, wala akong pakialam sa sasabihin ng iba. Ikaw ang blessing ng Panginoon saakin Bii. Salamat sa 2 taon at sa mga dadating pa, at sa habambuhay na pangako nating magsasama.  

I love you! Mahal na mahal na mahal kita! Ikaw ang true love, soulmate at destiny ko. 
Salamat sayo. Salamat po Papa Jesus. 
Kakayanin natin lagi bii. Matapang tayo. ❤️😍😁

Ikasa mo! 👊🏻

Advertisements

God is Reminding you, Your Life is Beautiful

Normal lang naman na makaramdam tayo ng lungkot and loneliness lalo kapag literal kang mag-isa. May natutunan lang akong technique para makaiwas sa pagiisip ng hindi masaya ang buhay ko. Yup. And actually ngayon eh patuloy ko pa ring pina-practice dahil mahirap talaga syang i-apply sa daily life. But it is helping me a lot. 
 Totoo naman napakadaming stress at andami ng nangyari sa buhay natin na hindi magaganda. Kakainis lang kapag maaalala mo at madami kang bagay na pagsisisihan. Like duh, kung maiibalik lang natin ang panahon di ba?

So eto na nga sa natutunan ko, well all these opinions only comes from me, personal experiences at wala kong ibang pinatutungkulang iba kundi sarili ko (in case may makabasa na iba na baka akala eh sila ang pinaghuhugutan ko). You can try and reflect too if you want, but then, I’m just sharing. 😘
1. Napapaisip lang ako ng malulungkot na bagay kapag Hindi ako Busy. 
-totoo. Kahit na sabihing nasa trabaho naman ako, huhu. Kasi kapag nasanay ka na na everyday yun na lang ang routine mo parang naghahanap ka ng something new. Kaya ang ginagawa ko minsan, sa vacant hours ko nagpupunta ako ng mall, window shopping or naghahanap ako ng maliit na kapehan at nagkakape ako. Maiba man lang ang environment. Tapos naghahanap ako ng pagkaka-abalahan talaga whether it is selling something or what. Basta maging busy lang ako. Wag lang akong mapapaisip talaga ng masasamang bagay that doesn’t really help at all. Nakakatanda lang, nakakasakit lang ng ulo eh ang init init ng panahon.  
2. Active masyado ang utak ko at hindi pupwede ng walang iniisip. 
–totoo rin. Haha! Sa sobrang active ng utak eh lahat na lang gustong isipin. Sa gabi na lalo, kaya ako eh nagpapaka busy sa online games kapag hindi makatulog. Kahit tinatamad ako sige lang wag lang ako ma-stress at makaalala ng mga nakaraang ayaw ko naman na rin talagang alalahanin. In short, I am helping my self to move on. Di ko inaasa masyado sa iba, hihingi na lang ako ng tulong kapag hindi ko na talaga kaya.  

3. Last but not the least, kulang sa pag-simba. 
–Sad truth. Sa sobrang pagkabusy ko sa ibang bagay, at pagiisip, minsan iniiwasan ko talaga yung pagpunta sa simbahan. Lalo pag matinding stress ang dumadating as in when it rains it pours ganon, though I promise na nagdadasal naman ako kahit saan ako abutin ng doubts. Kahit habang nagkukudkod ng inidoro. 🤣 Pero hindi lang talaga ako pumapasok sa simbahan kahit may time ako. ☹️ Siguro dahil alam kong iiyak lang ako ng iiyak don at guilty ako sa mga pagkukulang ko sa Kanya. Nakakatuwa lang rin ang boyfriend ko na alam nya na naniniwala ako sa milagro, sa Dios, at sa kung ano ang kayang gawin ng relihiyon saamin, na sa tuwing alam nya na iba na ang aura ko, sya pa mismo ang magpapaalala sakin na sumimba ako. And I find it sweet and ideal. Just perfect for me dahil lagi ko rin pinagdarasal na sana may magpaalala saakin ng mga bagay na nakakalimutan ko. Isang blessing lang. Hindi ko pa nasasabi sa boyfriend ko pero sobra akong thankful sakanya. Aminado naman ako saaking mga pagkakamali at pagkakasala kaya nga naiishare ko sa mga kaibigan ko ang insecurities ko sa buhay. Pero kahit ganun, dun pa rin ako syempre sa TAMA. So sisimba ako, and after kong sabihin kay God lahat, kahit ilang ulit ko pang sabihin eh I will feel good and tomorrow eh ang galing lang, parang hinipan ng hangin ang panahon. ❤️ 
I will enclose this with a photo i took using my Sony Alpha 5100. 🤣 Hindi po nila ako binayaran para mag endorse. Haha! 
God is telling you, you’re doing OK and you just have to trust Him. Everything including the bad ones is a part of a plan. Everything is for your own good kaya chillax ka lang. ❤️✌🏻👌🏻

Choose your battles

Sa araw araw madami tayong negativities na pwedeng ma-encounter.  Kung anu-ano talaga na makakapagpa-irita, makakapagpa-init ng ulo at puwedeng maging dahilan pa para makapag-salita tayo ng masama.  Kung papatulan naman natin ang lahat ng ‘yun, juicecolored, baka araw-araw tayong may kaaway.  Kaya maganda rin na piliin lang natin ang ating mga paguukulan ng panahon, pansin at energy. Hehe. 

CHOOSE YOUR BATTLES

yan ang title ko dito dahil feeling ko bagay talaga sakin yan ngayon. Haha! Kung bad vibes lang rin naman ang topic, naku marami ako nyan, pero hindi ko na lang pinagpapansin, at sa pagdedma ko araw-araw, aba himalang nababawasan. Yung negative energy na talaga ang kusang lumalayo, ang saya lang; effortless. 😀

Pero minsan naaalala ko pa rin, sa maghapon, naalala ko kung sinu-sinong dahilan ng pagsulat ko nito. Kala nyo mga importanteng tao eh ano kung mapagukulan ko ng pansin, pero oo, kasi mga kaibigan. Sabihin na nating, hindi naman ako galit, pero nasa blacklist ko sila, I am just waiting for their move to know what they really want. Para akong leon na nakaabang lang sa mga taong hindi ko alam kung kaibigan ko ba talaga o kalaban.  Ang sakit lang kasi nun na kapag may mga tao akong tinuturing na kaibigan eh biglang titirahin ako patalikod, feel mo naman ‘yun eh lalo na kung observant kang tao. Malalaman mo ‘yun kasi you respect and love yourself too, kaya alam mo if there’s something wrong sa paligid mo. Wala akong sinasabing kahit na ano sakanila, I cannot confront them, I am just waiting for them to move. Wala silang aasahan sakin kasi in the first place, sila naman ‘yung may problema while I am fine with my life, andami ko pa namang pinagkaka-abalahan din talaga lalo pa at pauwi na ako ng Pinas and there’s a lot of wedding preparations. I am focusing more on that kesa sa mga taong di ko alam ang gusto sa buhay. Hehe. Kahit na aaminin ko na naiisip ko pa rin sila minsan, dahil yun siguro sa ayaw ko ng may kaalitan, pero ayaw ko rin ng inaabuso ako o kami, naiisip ko kasi lagi na lahat naman tayo dapat irespeto, or bakit ako marunong naman akong rumespeto but some people are always out of their line. I do not know, ang mahalaga nagpapakatotoo ako. At ang mahalaga hindi lahat pinapatulan ko. Kasi if ever na basta basta na lang ako pumatol, baka ngayon eh worst na ang sitwasyon. Kaso nga, pinipili ko lang ang paglalaanan ko ng panahon. 

Be kind and be wise. You can do both naman. You can be kind at the same time hindi ka mabastos, and you can be wise enough to the point na hindi ka naman magmumukang tanga. Mahalaga alam mo, kahit wala kang gawin. Mahalaga you know and you feel that it is them who have a problem. At be alert kung sakaling umatake na talaga sila ng wala sa lugar, at the same time eh chill and relax. Haha ang hirap nyan ibalance lalo pag may times na nakakapikon na talaga.  


Basta be happy, tuloy lang ang buhay kahit andaming humihilang bad vibes sayo.  God is watching you naman kaya don’t worry too much.  ❤️ Kaya natin tong lampasan. Mas madami pa ang good vibes kesa sa bad, don ka mag-focus. 

Ang LDR Life namin 

Di ako makatulog. Ang sarap mag-emote. Haha! Wala lang, biruin mo yun mula pagsampa nya sa barko, sa 9months na on board, araw araw kaming magkausap. May internet man sya o wala. (Salamat sa swabe kong internet. The best!) Kahit pa anong busy ko, nakakatawag ako sa oras; kung di man ako makatawag sa oras ibig sabihin lang nun tulog ako. 🤣 Pag di ako nakakatawag on time nagoonline yun, tinatanong kung bakit wala pa akong call. 🤣 Kaya di maari ang absent kahit pa magka-away kami ay naguusap pa rin. Kaya lang kami makakatulog na magkaaway dahil sa sobrang pagod na sa trabaho. Pero kinabukasan pinaguusapan pa rin. Hanggang ayos na ayos at swabe na ulit. Ang wish ko lagi saamin eh magmahalan na parang hindi nagbababag. ☺️👌🏻😀
Timezone.

Sa dami na ng inaatupag ko minsan siguro iilang beses palang ako nalito sa pag-kwenta kung ilang oras ang higit ko sakanya. Ayaw ko pa naman ng Math pero atag na akong magbilang. Haha! Jusko di ko malimutan yung 5PM sakanya eh mag 12 na ng hating gabi sakin. As in natulog ako ng 8:30 tapos gigising ng mag aalas dose. 🤣

Palibhasa sa ganoon masaya na kami. Sobrang saya na namin kapag nagkakausap kami, nakakawala ng pagod sa trabaho, updated rin kami. Ang tyaga rin nga nya, literal na telepono ang gamit ako eh naka headset tapos telebabad ng 2 oras.
Bonding.

Sabay kumain minsan sa gabi, nanunuod sya ng balita eh nakikinig rin ako kahit di ko nakikita, habang nagiinom minsan eh pinapatawag pa ako parang nakiki jamming rin. Haha! 

Eh may internet na sya madalas ngayon, menos call, pero kapag break time laro laro naman kami ng Mobile Legends. 🤣 Lagi kaming magkasagpi. Haha! Gusto nya lagi kaming magkalaro. 😍 

Minsan nagiinom rin kami habang magkausap, tapos kwentuhang walang katapusan ng kanyang mga kalokohan mula pagkabata, mga buhay namin nung highschool, mga experiences sa buhay, mga natutunan, madami pang iba. ☺️
Ending.

Tapos ngayon malapit na kaming mag kita. Natyaga namin ang araw araw na ganuon. 

Unbelievable, pero ayus rin eh. Kudos sa pagtutulungan naming dalawa. As in weeks n lang yung binibilang. I’m proud of us. Really. Hindi naman to madali pero bakit keri namin. 🤣❤️ Oh di baa. Walang imposible kapag gusto, kapag patas ang effort, kapag totoong love love na ito. Saaming dalawa lang kami nagkukuhanan ng lakas ng loob. 

Kaya kung sakaling gusto ko syang protektahan at ilayo sa kahit anong tingin kong makakasira saamin, siguro naman hindi masama, malaki talaga ang effoerts namin para lang mabahidan ng manchang basta na lang darating. Kung may mancha, ay lagi naman akong may pang-bleach na daladala. 🤣
Sincerely,

Vhey 

Wala na kasing bago (English&Tagalog)

Ako yata yung taong laging gutom sa experience. Ako lang ba ang ganito? Yung hindi kuntento sa mga kaalaman at experience sa buhay at laging gustong may matutunan. Actually, sa mga materyal na bagay, dedma na lang eh. Sa mga experience at adventure lang talaga, parang gusto kong palagi na may bago. Because I know that experience and knowledge cannot be stolen, and it is meant to be learned and earned. 

Anyway, sa totoo lang napa blog ako dahil there are times that I realized I want so much in life and there is more that I can do. I get so bored of what I am doing today and cannot stop over thinking if I will push my wants and set a side my needs. Maybe this is psychologically part of adulthood. When you are in the middle age and you get so worried about stuffs. Haaay, I cannot wait to get over this. After all that i have been through, I cannot just stop and quit. I can do better. 

Barko yan, cruise ship. Dati wala yan sa utak ko at wala akong idea sa pagwowork sa barko. Pero mula nung maging boyfriend ko na si Kerk, at nung magka idea ako sa work doon na pwede din pala ang photographer don, naging curious ako. Parang gusto kong ma-try. Dahil ayoko na rin magwork sa bahay dito sa Madrid. Gusto ko ngang makasubok ng bago. Pag talagang di mo pa nakikita kung ano talaga ang gusto mo di ka talaga mapapakali sa buhay mo. You will fail 10x, and stand up 11x. 

That is what we have in life overseas. 

Nababagot ako. Lagi na lang kasing work, wala ka man lang oras sa sarili. Yun, sa mga bakasyon sa Pinas, yun ang pag-asa at pinaka pahinga. If only we could be a happy go lucky person. Kaso being a responsible individual is very hard and risky. Claro, iririsk mo ang mga bagay na makakapagpasaya sayo just because you have to be a responsible person para someday wala kang pagsisisihan. Ako pa naman yung taong takot magkamali. Hindi dahil sa gusto ko maging perfect, imposible yun. Takot lang ako magkamali because when I do, my loved ones will leave me and treat me as if they are very regretful of having me. I do not want to feel that lalo at sa mga mahal sa buhay ko lang ako kumukuha ng lakas ng loob at kaligayahan araw araw. 

I am always craving for adventure. Lalo na kapag sawang sawa na ako sa sentimiento ng buhay ko at as in ayoko na ikwento sa mga kaibigan ko ang paulit ulit kong storya, damn, gusto ko na lang kumawala at mawala para tumakas. But when I feel I want to be selfish, I cannot just be. Next time ipopost ko ang mga “blues” ko dito. 

At the moment, gusto kong huminga,Magpahinga, magrelax at humugot ng panibagong lakas. Dahil yung naka stock ko, ubos na. 🙈🙊🙉