God is Reminding you, Your Life is Beautiful

Normal lang naman na makaramdam tayo ng lungkot and loneliness lalo kapag literal kang mag-isa. May natutunan lang akong technique para makaiwas sa pagiisip ng hindi masaya ang buhay ko. Yup. And actually ngayon eh patuloy ko pa ring pina-practice dahil mahirap talaga syang i-apply sa daily life. But it is helping me a lot. 
 Totoo naman napakadaming stress at andami ng nangyari sa buhay natin na hindi magaganda. Kakainis lang kapag maaalala mo at madami kang bagay na pagsisisihan. Like duh, kung maiibalik lang natin ang panahon di ba?

So eto na nga sa natutunan ko, well all these opinions only comes from me, personal experiences at wala kong ibang pinatutungkulang iba kundi sarili ko (in case may makabasa na iba na baka akala eh sila ang pinaghuhugutan ko). You can try and reflect too if you want, but then, I’m just sharing. 😘
1. Napapaisip lang ako ng malulungkot na bagay kapag Hindi ako Busy. 
-totoo. Kahit na sabihing nasa trabaho naman ako, huhu. Kasi kapag nasanay ka na na everyday yun na lang ang routine mo parang naghahanap ka ng something new. Kaya ang ginagawa ko minsan, sa vacant hours ko nagpupunta ako ng mall, window shopping or naghahanap ako ng maliit na kapehan at nagkakape ako. Maiba man lang ang environment. Tapos naghahanap ako ng pagkaka-abalahan talaga whether it is selling something or what. Basta maging busy lang ako. Wag lang akong mapapaisip talaga ng masasamang bagay that doesn’t really help at all. Nakakatanda lang, nakakasakit lang ng ulo eh ang init init ng panahon.  
2. Active masyado ang utak ko at hindi pupwede ng walang iniisip. 
–totoo rin. Haha! Sa sobrang active ng utak eh lahat na lang gustong isipin. Sa gabi na lalo, kaya ako eh nagpapaka busy sa online games kapag hindi makatulog. Kahit tinatamad ako sige lang wag lang ako ma-stress at makaalala ng mga nakaraang ayaw ko naman na rin talagang alalahanin. In short, I am helping my self to move on. Di ko inaasa masyado sa iba, hihingi na lang ako ng tulong kapag hindi ko na talaga kaya.  

3. Last but not the least, kulang sa pag-simba. 
–Sad truth. Sa sobrang pagkabusy ko sa ibang bagay, at pagiisip, minsan iniiwasan ko talaga yung pagpunta sa simbahan. Lalo pag matinding stress ang dumadating as in when it rains it pours ganon, though I promise na nagdadasal naman ako kahit saan ako abutin ng doubts. Kahit habang nagkukudkod ng inidoro. 🤣 Pero hindi lang talaga ako pumapasok sa simbahan kahit may time ako. ☹️ Siguro dahil alam kong iiyak lang ako ng iiyak don at guilty ako sa mga pagkukulang ko sa Kanya. Nakakatuwa lang rin ang boyfriend ko na alam nya na naniniwala ako sa milagro, sa Dios, at sa kung ano ang kayang gawin ng relihiyon saamin, na sa tuwing alam nya na iba na ang aura ko, sya pa mismo ang magpapaalala sakin na sumimba ako. And I find it sweet and ideal. Just perfect for me dahil lagi ko rin pinagdarasal na sana may magpaalala saakin ng mga bagay na nakakalimutan ko. Isang blessing lang. Hindi ko pa nasasabi sa boyfriend ko pero sobra akong thankful sakanya. Aminado naman ako saaking mga pagkakamali at pagkakasala kaya nga naiishare ko sa mga kaibigan ko ang insecurities ko sa buhay. Pero kahit ganun, dun pa rin ako syempre sa TAMA. So sisimba ako, and after kong sabihin kay God lahat, kahit ilang ulit ko pang sabihin eh I will feel good and tomorrow eh ang galing lang, parang hinipan ng hangin ang panahon. ❤️ 
I will enclose this with a photo i took using my Sony Alpha 5100. 🤣 Hindi po nila ako binayaran para mag endorse. Haha! 
God is telling you, you’re doing OK and you just have to trust Him. Everything including the bad ones is a part of a plan. Everything is for your own good kaya chillax ka lang. ❤️✌🏻👌🏻