2years together😍

October 24,2015 – Forever.My tropa and I; We’re married.
Happy happy 2 YEARS together Bii. Hindi ko malilimutan yung araw na yun na nag I love you ka sakin at nag I love you too ako sayo. 😍❤️

Na noon palang alam na nating tayo na talaga sa hindi maipaliwanag na dahilan na nagsimula lang naman sa simpleng pagkakaibigan. 😁 Kakaiba talaga, pustahan tayo matatawa ka rin kapag maiisip mo ang mga usapan natin dating puro kalokohan. Haha! Nagkainlove-an ng hindi naglandian at nagbolahan. Puro casual na “Uy balita” at heart to heart na usapan lang. San ka pa. 🙂 
Ni minsan hindi mo ako pinayuhan ng makakasama saakin, at ang gusto mo palagi ay ang aking kasiyahan. ❤️

Mula noon minahal ko ang sarili ko. Nakita ko ang halaga ko na pinapakita mo hanggang ngayon. Pinakita mo rin sakin kung ano ang deserve ko kahit hindi ako perpektong tao.

Tinanggap mo ako, tinanggap kita, at iniharap mo ako sa simbahan ng bukal saiyong kalooban. Yun ang napakasarap sa pakiramdam na pinagmamalaki ko. Na hindi natin pinilit ang ating sarili sa isa’t isa. Na pinili natin kahit mahirap, basta tayong dalawa ang magkasama. Na may sarili tayong paninindigan. Na kaya nating harapin ang kahit ano pa man. Subok na subok na. 
Basta na lang daw naging tayo? Hindi nila alam na araw araw nating pinaghihirapan at pinahahalagahan ang isa’t isa kahit tayo ay kasal na. 🙂 
Sobrang saya ko, wala akong pakialam sa sasabihin ng iba. Ikaw ang blessing ng Panginoon saakin Bii. Salamat sa 2 taon at sa mga dadating pa, at sa habambuhay na pangako nating magsasama.  

I love you! Mahal na mahal na mahal kita! Ikaw ang true love, soulmate at destiny ko. 
Salamat sayo. Salamat po Papa Jesus. 
Kakayanin natin lagi bii. Matapang tayo. ❤️😍😁

Ikasa mo! 👊🏻

Advertisements

Habang tumatagal para bang humihirap… 

Nung una, pinangako ko sa sarili kong kakayanin ko. Lahat haharapin ko at di ako uurong. Kaya araw araw ginagawa ko yun, hindi ko rin akalain pero nalalampasan natin. 

October 24, 2015 ka unang nagsabi ng I love you sakin. Dalawang taon na pala bukas ano. Ang bilis bilis, noon mag syota palang tayo ngayon iisa na ang apelyido natin. 

Nung una tayong magkasama nung April 2016, masakit sakin. Nung nagkasama tayong muli nung May-July 2017, halos ikamatay ko araw araw ang magising ng wala ka sa aking tabi. Pero kasunod na ang mga plano nating magkakasama rin tayong muli. Yung wala ng hiwalayan. Pero ang proseso ay hindi madali. 😭 Kailangan pa rin nating magbanat ng buto at pasensya at pangunawa para iyon ay marating. Tiis tiis kahit araw araw mata na lang ang walang pawis, ngiti at ngiti pa rin kahit pilit na ngisi. 

Naiiyak na ako kasi ang hirap at ika’y malayo. Kapag may umaaway sakin wala akong mapagsumbungan, kahit masabi ko sayo sa chat yung boses ko naman eh hindi mo napapakinggan.  Ang hirap masanay na nandyan ka lagi tapos biglang pag lingon ko wala ka na pala uli. 😭 Kaya ang lagi kong tanong hanggang kailan tayong ganito? Habang tumatagal humihirap yata mahal ko? Ako lang ba ang nakakaramdam nito? Binabalewala ko dahil alam kong mas mahirap sayo to. Ngingiti ako dahil ang pagluha ko ang magpapahirap sayo. Kakayanin ko dahil lumalakas ka kapag malakas ako. 

Kaunting hirap pa mahal ko, madami pa tayong pagdadaanan kaya walang bibitaw; walang iwanan. 

Ldr Problems

We are almost 2 years together. Nagsimula ng super hirap ang connection, naka-abang lang ako kung kelan sya makakapag-internet. Tapos masaya na kami sa ilang minutes na magkausap. Nagtagal yun ng ilang months at buti nakaya ko. (First contract nya yun sa barko)

Last year was so different. Araw araw kaming magkausap may internet man sya o wala. God has given us so much time to spend with each other, at nakapag-kita pa kami sa isang island ng Spain where they usually port noong December 2016.  Sa Canary Islands. And there, nag-propose sya sakin. Umuwi kami ng Pinas this May 2017 at nagpakasal nung June 2017. (Second contract nya.) 

Ngayon, kakabalik lang namin sa kanya-kanyang lugar kung saan talaga kami nagsimula. Ako dito sa Madrid, sya duon ulit sa barko. Pero hindi namin inaasahan na mahirap ang aming mga babalikang posisyon sa trabaho. Nasa magandang pwesto na sya sa kusina buong 2nd contract, at pagbalik nya, sa linisan ulit sya dinala. Dismayado syang nagtratrabaho araw-araw, sabay pa ng homesick o pagka-miss sa akin, mas o menos isang linggo syang hindi nakakatulog ng maayos. Umiiyak at nagigising ng hindi sinasadya kada alas 2 ng madaling araw at nagoonline sya para mag-message sa akin at sabihing mahal na mahal ako at miss na miss na. 

Ako naman, wala na akong trabahong binalikan. Dalawa ang trabaho ko sa bahay, isa sa umaga at isa sa hapon. Yung sa hapon ang nawala kung alin pa yung mas mahaba ang oras at mas malaki ang sweldo. Isang linggo rin akong problemado at di ko alam ang uunahin kong maramdaman. Pero lagi kong inuuna na payuhan at wag pabayaan ang mahal kong asawa. Parang bilang babae, mahirap na nakikita ko ang lalakeng mahal kong nanghihina dahil saakin o dahil sa kung anong kinalagayan nya sa trabaho. 

Naghahanap ako ng trabaho at nakahanap naman ako after isang linggo, trabaho sa resto. 

Tuwang tuwa ang asawa ko noon at duon na sya nagsimulang maktulog ng mahaba at maayos. Kasabay na rin ng magandang balitang kaunting tiis lang nya at ibabalik na rin sya ulit sa kusina kapag nagsi-uwian na ang ibang katrabaho niya. Sabay kaming naging ayos. At nagka-pag-asa na makakabawi agad sa lahat ng nagastos namin noon sa Pinas. 

Pero ngayon, hirap naman kaming magkausap. 10pm ang tapos ng trabaho nya, ako naman 1am pa. Noon ako ang napupuyat sa kaantay sakanya, ngayon baliktad na. Sa aming dalawa ako ang mas matatag sa puyatan. Kaya minsan hindi nya nakakayanan ang antok at nakakatulog na. Noon hindi ako sanay na di kami magkausap, ngayon ganon pa rin naman. Hindi pa rin ako makatulog ng maayos ng walang balita sa kanya. Ang hirap. Sobra. 

Hanggang sa ayan, hindi ko alam kung bakit hindi na ako maka-tawag sa barko. Sabi disconnected na daw o no longer in service. May 1week na ring may bagyo sa Florida, Hurricane Irma, at based sa smartphone ko, sa Hollywood, FL, US ang number na gamit ng barko. So nagkaroon ako ng haka-haka na baka naapektuhan ang satellite at nasira. Hindi malayong mangyari dahil kahapon lang ayos pa ang linya namin at magkausap pa kami. 

Hirap ako, ano kaya ang nararamdaman nya ngayon? Alam kaya nya na hindi ako makatawag? Nagaantay kaya sa sa gabi? Hindi rin kaya sya makapag online?
Andami kong tanong pero tuloy lang ang buhay…. kahit mahirap bawal kong dalhin sa trabaho ang nararamdaman ko. Kaya knyari ayos lng ako. Salamat na lang dahil kahit man lang dito, makapagkwento ako. 😞

Pray, Forgive and Forget

Kapag mahal mo pala talaga ang isang tao, hindi mahalaga kung ano ang mga masasamang napagdaanan nyo, at ang maiisip mo kagad eh kung paano kayo mas magiging matatag. 

Weh? Baka sabi mo lang yan? Baka sa umpisa lang naman yan?

Hindi rin. Hehe. Sa umpisa kahit anong nagawa nyang mali, masakit. At maiisip mo na habang tumatagal, masakit pa rin. Pero alam mo na masasaktan sya pag nasasaktan ka kaya babalewalain mo na lang kasi in the first place nakapag sorry na sya at ilang beses mo na syang napatawad. In the long run, sarili mo na lang ang kalaban mo. Kaya you have to control what you think and your emotions too. Keep yourself busy, do productive stuffs. Yup. Productive. Kesa mag self pity ka sa bahay buong buhay mo, okay lang mag self pity paminsan minsan, ang sarap rin kayang umiyak. Pero wag mo uugaliin ha. Pray ka rin para mas maging matatag ang loob mo. Tulad ng sinabi ko, sarili mo na lang ang kalaban mo. Makakatulong rin na paminsan minsan sabihin mo sa jowa mo ang nararamdaman mo. Dahil sya rin ang makakatulong sayo. Wag mo syang aawayin dahil sa mga nagawa nyang pinagsisisihan nya na rin hanggang ngayon. Tao lang sya at tao ka lang rin. 

MAIKLI lang ang buhay para sa bad vibes. Ang iwan natin sa bawat tao ay ang mga nagawa nating maganda kahit pa anong sama ng ating pinagdaanan.

God bless.