Ipon time! 

Hellooo. This is my recycled milk bottle. 😂 1litre sya. Tapos ginawa kong coin bank. 😁
Galing ako ng bakasyon sa Pinas and I went back to Madrid na konti lang ang natirang peraaaaa. As in. Tapos nawalan pa ng isang work. Kaya sa bago kong trabaho sa resto, 1 month pa lang ako. Meaning, isang beses pa lang nakaka sweldo. 😂 Sakit mga besssss! Hirap mag-bawi. Haha! Buti na lang nandyan ang asawa ko. May back up ako sa gastusin. Hirap talaga kapag LDR. 😂 Magastos. Hindi biro ang umuwi ng Pinas. 
So ayun, punta na tayo sa topic. Haha. 

Sa resto, twing Sunday night yung mga tip na naiipon namin sa buong isang linggo, pinaghahati hati namin. 5 kaming magkakahati this month of August. Kaya talagang barya lang napupunta sakin. As in ang pinaka mataas na eh 13€ coins. 😂 Luge nga ako kase ako ang madalas maka-kuha ng malalaking tip like sa isang table nakaka-5€ ako, pinakamalaki na yunh 10€! 

Tapos andami pala namin naghahati. Haha! 
At dahil gusto ko naman talagang mag-ipon kahit konte, yung mga tip na nakukuha ko weekly, nilalagay ko dito. Kapag need ko ng barya bumabawas lang ako ng konti, pero most of the time eh nilalagay kong lahat. 
Kung hindi man kasi ako makapag save ng a lot of money from my monthly salary, magaan ang loob ko na kahit konti may naka-save! Haha! Pang emergency. Para hindi lahat sa asawa ko kukuhanin. Kawawa naman din kase nagwowork sya ng mahirap rin tapos napupunta lang sa aking mga bills kagaya ng house rent eh wala naman sya dito. 😕
Nakaka konsensya kaya bilang isang mabuting asawa. Hehe. 😭 Syempre kahit di kami magkasama gusto ko nakakabili pa rin sya ng mga damit na gusto nya at nakakakain sya sa kahit saan nya gustuhin. Hayyyy. Sa umpisa lang to. Bago matapos ang taon makakabawi rin kami sa lahat ng nagastos sa Pinas. LOL. 
Perooo ayun, kahit sakto lang ang kinikita ko, i am trying to save. Kahit di ko alam kung kailan ko to mapupuno. 😂
#LDRandLifeBlog

#SavingTime

#BeWais 

#StartSmall

Advertisements