We are almost 2 years together. Nagsimula ng super hirap ang connection, naka-abang lang ako kung kelan sya makakapag-internet. Tapos masaya na kami sa ilang minutes na magkausap. Nagtagal yun ng ilang months at buti nakaya ko. (First contract nya yun sa barko)
Last year was so different. Araw araw kaming magkausap may internet man sya o wala. God has given us so much time to spend with each other, at nakapag-kita pa kami sa isang island ng Spain where they usually port noong December 2016. Sa Canary Islands. And there, nag-propose sya sakin. Umuwi kami ng Pinas this May 2017 at nagpakasal nung June 2017. (Second contract nya.)
Ngayon, kakabalik lang namin sa kanya-kanyang lugar kung saan talaga kami nagsimula. Ako dito sa Madrid, sya duon ulit sa barko. Pero hindi namin inaasahan na mahirap ang aming mga babalikang posisyon sa trabaho. Nasa magandang pwesto na sya sa kusina buong 2nd contract, at pagbalik nya, sa linisan ulit sya dinala. Dismayado syang nagtratrabaho araw-araw, sabay pa ng homesick o pagka-miss sa akin, mas o menos isang linggo syang hindi nakakatulog ng maayos. Umiiyak at nagigising ng hindi sinasadya kada alas 2 ng madaling araw at nagoonline sya para mag-message sa akin at sabihing mahal na mahal ako at miss na miss na.
Ako naman, wala na akong trabahong binalikan. Dalawa ang trabaho ko sa bahay, isa sa umaga at isa sa hapon. Yung sa hapon ang nawala kung alin pa yung mas mahaba ang oras at mas malaki ang sweldo. Isang linggo rin akong problemado at di ko alam ang uunahin kong maramdaman. Pero lagi kong inuuna na payuhan at wag pabayaan ang mahal kong asawa. Parang bilang babae, mahirap na nakikita ko ang lalakeng mahal kong nanghihina dahil saakin o dahil sa kung anong kinalagayan nya sa trabaho.
Naghahanap ako ng trabaho at nakahanap naman ako after isang linggo, trabaho sa resto.
Tuwang tuwa ang asawa ko noon at duon na sya nagsimulang maktulog ng mahaba at maayos. Kasabay na rin ng magandang balitang kaunting tiis lang nya at ibabalik na rin sya ulit sa kusina kapag nagsi-uwian na ang ibang katrabaho niya. Sabay kaming naging ayos. At nagka-pag-asa na makakabawi agad sa lahat ng nagastos namin noon sa Pinas.
Pero ngayon, hirap naman kaming magkausap. 10pm ang tapos ng trabaho nya, ako naman 1am pa. Noon ako ang napupuyat sa kaantay sakanya, ngayon baliktad na. Sa aming dalawa ako ang mas matatag sa puyatan. Kaya minsan hindi nya nakakayanan ang antok at nakakatulog na. Noon hindi ako sanay na di kami magkausap, ngayon ganon pa rin naman. Hindi pa rin ako makatulog ng maayos ng walang balita sa kanya. Ang hirap. Sobra.
Hanggang sa ayan, hindi ko alam kung bakit hindi na ako maka-tawag sa barko. Sabi disconnected na daw o no longer in service. May 1week na ring may bagyo sa Florida, Hurricane Irma, at based sa smartphone ko, sa Hollywood, FL, US ang number na gamit ng barko. So nagkaroon ako ng haka-haka na baka naapektuhan ang satellite at nasira. Hindi malayong mangyari dahil kahapon lang ayos pa ang linya namin at magkausap pa kami.
Hirap ako, ano kaya ang nararamdaman nya ngayon? Alam kaya nya na hindi ako makatawag? Nagaantay kaya sa sa gabi? Hindi rin kaya sya makapag online?
Andami kong tanong pero tuloy lang ang buhay…. kahit mahirap bawal kong dalhin sa trabaho ang nararamdaman ko. Kaya knyari ayos lng ako. Salamat na lang dahil kahit man lang dito, makapagkwento ako. 😞